Pages

Saturday, May 5, 2012

Unang ulan ng Mayo.

Habang naglalakad ako para bumili ng ulam para sa hapunan, naalala ko ang isang insidente nung nabubuhay pa ang aking ina. Inutusan niya din ako bumili ng ulam noon. Makulimlim pero hindi ako nagpatinag. Umalis ako ng walang dalang payong. Pagkatapos ko bumili, inabutan ako ng napakalakas na ulan. Hindi ko alam kung paano ako uuwi. Masyadong malayo para sumugod ako sa ulan.

Habang nakasilong ako sa isang tindahan ng prutas. Inisip ko na sumakay na lang sa pedicab. Kahit na kulang ang aking pera, pababayaran ko na lang sa aking ina pagdating. Habang naghihintay, nakita ko ang aking ina, nakapayong, palinga-linga tila't may hinahanap. Sumulong ako at pinuntahan sya. Tinanong kung okay lang ako.

Iyon ang pinaka'sweet na ginawa ni Mommy sakin. Yung effort na hanapin niya ko kahit sobrang lakas ng ulan. It was priceless. I wish I didn't take for granted things like that. I miss mom.