Pages

Friday, August 24, 2012

Pag-alala ng Lumang Damdamin

Habang naglalakad ako pauwi, bigla kong nasabi sa sarili ko na malungkot ko. Malungkot sa pagpanaw ng tatay ni Sandro. Hindi inaasahan at alam kong masakit. Sa totoo lng, ayoko ng pakiramdam ng may nagpapaalam, namamatay o umaalis. Labis na kalungkutan talaga ng hatid nito sa akin. Napaiyak pa nga ako habang pinapanuod 'yong video na para sa Papa niya. Yung mga naramdaman ko tuloy nung nawala si Mommy biglang bumalik. Nakakaiyak. Nakakabalisa. Hindi mo maiwasang ibalik ang mga panahon na kasama mo pa sya.

Oo malungkot pero minsan naiisip ko maganda rin na naranasan ko ito. Maari kong ibahagi yung mga pinagdaanan ko para maka'recover at maka'move on at mga pinagdadaanan ko habang wala na sya. Alam ko hindi madali pero alam ko kakayanin natin. Maiisip natin na mas masaya sila sa piling Niya. May instant angel tayo na laging nagbabantay at gagabay satin. At sigurado ko, lagi silang makikinig sa mga problema o masasayang karanasan na nais mong ikwento sa kanila.

Lagi kong sinasabi "People come and go". Totoo naman, hindi ba? Parte yan ng buhay. Matuto tayo na may mga taong dadating para turuan tayo ng mga bagay at may mga taong aalis para matutunan ang isang bagay. Mukhang parehong purpose no? Pero kung titingnan malaking pagkakaiba. Hindi magiging madali ang pagtanggap na wala na sila pero kung hindi natin sisimulan, wala tayong mararating. It takes time. Time will heal all the wounds and will leave a scar to remind us they've been once part of your life.