Pages

Sunday, November 25, 2012

Paalam.

Ituring mo kong isang alaala, ituring mo kong parte ng nakaraan. Ituring mo kong isang ngiti sa lumang larawan, isang taong moinsan nagbigay saya. 
Darating ang panahon na makakaharap mo ang mga taong naging bahagi ng buhay mo. Gustuhin mo man o ayaw mo, dadating at dadating ang panahon na 'to. Sa panahon na tipong hindi mo inaasahan at hindi mo inaasam asam.

Ilan sa mga taong naging bahagi ng buhay mo ang gusto mo makita? Ilan ang hindi? Bakit hindi na sila bahagi ng buhay mo? Anong nangyari? Sila ba ang lumayo o iniwan mo sila? Anong magiging reaksyon mo kung makita mo sila ulit sa kasalukuyang buhay mo. (Yung mga tipong "the-one-that-got-away ahh)

Sa tagal tagal ng panahon, minsan ko ng napanalangin sa Panginoon na maging sa akin ulit sya. Minsan ko na ring hiniling na makita ko ulit sya. Pero tila ang Diyos ay may tamang tiyempo; hindi maaga, hindi rin naman huli.   Tanging pasensya at pananampalataya lang at malalaman mong may alaga ang paghihintay mo. Lahat talaga ng bagay kanya-kanyang tiyempo.

Sa hindi inaasahang panahon at sa hindi inaakalang lugar makikita ko ulit si "the-one-that-got-away". Aaminin ko na kinabahan ako nung nalaman ko na nadun din sya. Hindi magkandamayaw ang mga ideya sa aking isip kung anong gagawin ko.

Nung nagtagpo ang aming mga mata (malayo sa isa't-isa), naitanong ko sa sarili ko na ganun ba talaga ang pakiramdam ng taong naka"move on" na? Wala ng pag-aasam, pag-ibig o kahit galit na nararamdaman? Kung oo, masasabi ko na naka'move on na nga ako.

Matatangal na sa aking isip na gusto ko na magkakabalikan pa kami. Marahil namimiss ko lang yung dating pinagsamahan namin. Sa halos 2 taon, marami na rin kaming pinagdaanan. Naramdaman kong maging bababe, ligawan, yung ipapakilala mo sya sa pamilya mo at ipapakilala ka sa pamilya niya sa pamilya niya, magkasama kayo sa importanteng araw ng mga kapamilya niyo, yung itetext mo ng "Goodmorning! I love you!" araw-araw, sa mga "random dates", "getaway trip with friends", at yung kasama mo sya sa mga malulungkot at masayang parte ng buhay mo. Nakakamiss naman talaga no.

Halos nahiya akong lumapit sainyo dahil kasama mo sya (Girlie) pero naisip ko, kaibigan na kita bago pa kita naging boyfriend. Bakit ako mahihiya? Atsaka, ayooko naman na mamuo sa isip niyo ni Girlie na suplada ako at bitter pa rin. Pero ganun pala talaga pakiramdam no? Kakabahan ka, manginginig at halos wala ng salitang lalabas sa bibig mo. Iba talaga!

Minsan kailangan natin gumawa ng mali para maitama ang ilang bagay. Masakit man ang kamaliaan, isa itong paraan para malaman ang realidad.
Nakagawa man ako ng mali noon, baka iyon yung paraan na hindi talaga tayo para sa isa't-isa. Masasabi ko naman na hindi ko pinagsisihan yung mga nagawa ko dahil pinilit kong itama ito. Ginawa ko lahat ng maaring gawin pero may mga bagay talaga na hindi na dapat. Lagi kong sinasabi na hindi ko pinagsisisihan dahil alam ko sa sarili ko na ginawa ko yung bahagi ko.

Ang tao nagbabago, maaring masaktan ka sa pag-ibig, umaalis ang mga tao sa buhay mo at nagkakamali ang ilang bagay-bagay. Pero lagi nating tatandaan na: Patuloy ang buhay! 
Ito marahil ang isang paraan para palayain ang sakit at pagmamahal (kay "the-one-that-got-away) na kinimkim ko sa apat na taon. Masaya ako na masaya ka sa buhay pag-ibig mo, masaya ako na naibibigay ni Girlie ang pagmamahal karapat-dapat sayo na hindi ko naibigay at masaya rin ako na naturuan ko ang sarili ko na magsaya at harapin ang mga problema mag-isa.


Sorry. Thank you. I loved you Michael Angelo Cuevas Guevarra.