Maraming rason para magpasalamat ako sa nagdaang taon. Taong dapat pasalamatan. Experience na masarap at masakit balikan. Maituturing mang hindi ka'swertehan ang taong nakalipas para sa akin marami pa ring dahilan para namnamin at alalahanin ang bakas na iniwan ng 2012.
- Narating ko ang sa unang pagkakataon ang Singapore. Isang maunlad na bansa at malayong malayo sa katayuan ng Pilipinas. Maraming pasyalan na talagang maiingganyo ka. gugustuhin mong magbalik-balik sa lugar na ito.
|
Me at Merlion. |
- Natunghayan ko sa ang Hot Air balloon Festival sa Pampanga. Matagal ko ng gusto masaksihan ito. Ngayong 2012 lang ako nabigyan ng pagkakataon.
|
Thank you Status Salon. ;) |
- Natapos ko ang Kursong Hotel and Restaurant Management. Maraing salamat sa lahat ng walang sawang sumuporta at nagbigay lakas ng loob para makaya at tapusin ang kursong ito. Utang ko lahat sainyo to. Thank you! :)
- Naka'experience ako ng tinatawag na "Foam Party" na ang suot ay pantalon, tank top at doll shoes.
|
Happy birthday Sweetie Pie. :) |
- Reuniting with Marco Gabriel Llamas. Pagkalipas ng 4 na taong pamamalagi sa Australia, naisipan niyang bumisita sa Pinas. What's up, mate? :)
- Natapos ko ang pinakunang 5k run ko. Salamat sa Hyundai para napakasayang fun run na to.
|
Salamat, CWC! |
- Maging bahagi ng ika-100 taon ng Paco Catholic School.
- Surfing at Surfing Capital of the Philippines, San Juan. Isang bago, nakaka'addict at mahal na hobby.
|
You can't stop the waves, but you can learn how to surf. |
- Makaranas ng "bar hoping". Central taft- Eastwood- Eden-Blue Onion-Mcdo.
- Be a bookworm.Matatawag bang book worm kung puro ganito ang binabasa ko? :)
|
At marami pang ibang libro. :)
|
- Mahanap ang kauna-unahan kong trabaho.
|
My IHOP Family. |
Sadyang ang mga bagay ay may kanya-kanyang pagkakataon. Nagpapasalamat ako sa laht ng naging bahagi ng 2012 ko. Marami akong napuntahan, nakilala at natikman. Lahat ng pinagsamahan at ala-ala ay aking pakaiingat-ingatan at magpakailanmang mananatili sa puso ko. :) Salamat 2012.
No comments:
Post a Comment