Pages

Saturday, October 22, 2011

Linggo.

Gabi. Galing sa galaan. Masaya. Ito yung pangunahing nararamdaman ko nung umuwi ako. Punong puno ng emosyon. Ang lungkot na nararamdaman ko nuon dahil sa unang taon ng pagkawala ng aking ina ay napalitan dahil kasama ko ang mga kaibigan ko at dahil nasakin ka. Okay na ko pag naiisip ko na nanjan ka!


Pero nung gabing un, iniwan mo din ako. Sa hindi ko maintindihang dahilan. Iniwan mo ko. Ginamit. At ngayon ako ay nag-iisa. Ang tanong ko, anong napala mo nung ginago mo ko? Pinili ko to. Pinili kita. Kahit na may mga tao/ bagay na mas makakapagpasaya sakin. Pinili kita. Nakuntento ko sa kung anong meron tayo. Ikaw pa nga nagsabi niyan. Ee bat ang ending parang kinain mo lahat ng sinabi mo?


Bakit kailangan mo iparamdam sakin yung sakit na naramdaman mo nung iniwan kita? Ano to gantihan lang? Ito pa yung tinatawag mong fair? Masaya ka ba dahil sa ginawa mo? Kung masama lang akong tao, ginawa ko na yung bagay na makakasira sayo para hndi ka sumaya. Pero hindi ko kaya ee. Natatakot ako sa karma. Hahayaan ko na lang yun para gumanti sayo. I know karma will get you.


Hindi mo alam na simula nung gabi yun, pakiramdam ko punong-puno ng galit tong puso ko. Sana. Sana. Sana hindi na lang nangyari to. :'(

No comments:

Post a Comment